FREQUENTLY ASKED QUESTIONS
Boardwalk Cash Card:
1. Ano ba ang Boardwalk Cash Card?
Ang BW Cash Card ay ang multi-purpose card na BW dealers lamang ang maaaring magmay-ari.
2. Maliban sa BW dealers, may ibang tao pa bang pwedeng magkaroon ng BW Cash Card?
Oo. Kahit sinong gustuhin ng dealer na gawin supplementary cardholder kung hindi sila ang mismong nagmamay-ari ng main card. BW dealers lamang ang maaaring maging main cardholder.
3. Ano ang ibig sabihin ng SUPPLEMENTARY CARDHOLDER?
Ang isang tao ay nagiging supplementary cardholder kung hindi sila ang mismong nagmamay-ari ng main card. BW dealers lamang ang maaaring maging main cardholder.
4. Paano magkaroon ng supplementary cardholder ang BW Cash Cardholder?
Kailangan muna itong ipa-approve sa mga kinauukulang tao.
5. Para saan ba ang BW Cash Card?
Ang BW Cash Card ay para magamit ng mga BW dealers bilang:
i. Official identification card o ID Card
ii. ATM Card kung saan maaaring mai-transfer ang rebates mula sa kanilang E-wallet papuntang ATM
iii. Debit Card na maaaring gamitin sa pamamagitan ng pag-swipe sa card terminals ng mga supermarkets/department stores. Sa “pag-swipe” awtomatik nang mababawasan ang laman nap era ng kanilang ATM card.
6. Paano ba magtransfer ng rebates/pera mula sa E-wallet patungong ATM card?
Para makapag-transfer ng funds mula sa E-wallet patungong BW Cash Card, sundin ang mga sumusunod na paraan:
i. Gamit ang cellphone, i-type ang:
BW(space)ENC(space)PIN(space)Amount(space)CC
***send to 2256 (2.50pesos per transaction)
***o sa gateway numbers: 0920 9475303 0928 5048378 0917 8256776
ii. Makakatanggap ang dealers ng CONFIRMATION MESSAGE kung successful ang pag-transfer ng funds nila
iii. Kung successful ang funds transfer, maaari ng mag-balance inquiry o mag-withdraw ng funds ang kinauukulang dealer sa pinakamalapit na ATM na naisin nila.
iv. Ang pag-balance inquiry at pag-withdraw ng funds ay may katumbas na charges:
1. Chinatrust Banks: no charge
2. Other banks: 2 pesos per bal. inquiry : 12 pesos per withdrawal
v. Sakaling hindi makatanggap ng CONFIRMATION MESSAGE na successful ang fund transfer, i-advice sa dealers na tumawag sa E-wallet hotline o sa costumer service hotline ng Boardwalk (631 9999) para i-follow up ang kanilang transaksyon.
7. Maaari bang magdeposit ng pera sa BW Cash Card sa pamamagitan ng pagpunta sa kahit anong Chinatrust banks nationwide?
a. Hindi. Maaari lamang makapag-transfer ng funds sa BW Cash Card via E-wallet transactions.
b. Maaari din pumunta sa kahit anong branch ng Boardwalk at doon lagyan ng funds ang E-wallet upang mai-transfer ang E-wallet funds sa BW Cash Card.
8. May validity period ba ang BW Cash Card?
Oo. Limang taon.
9. Paano kung gusto pa din ng dealers gamitin ang BW Cash Card matapos ang 5 taon na validity period?
Kailangan mag-renew ng BW Cash Card.
10. May bayad ba ang pag-renew ng BW Cash Card?
Oo. 150 pesos.
11. Saan maaaring mag-renew ng BW Cash Card?
Sa kahit saang BW office na gustuhin ng dealer.